Tuesday, August 19, 2008

Iskolar ng USEP ni Aiza Crizel Adame


Sinasabi na ang iskolar ay isang libreng pag-aaral ng mga estudyanteng gustong makamit ang mga mithiing inaasan-asam. Ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng hirap sa pangtutos sa pag-aaral lalong-lalo na kapag papasok sa pamantasan ng kolehiyo. Sa University of Southeastern Philippines (USEP), ay isa sa mga Unibersidad ng Pilipinas na may iba't-ibang klasing iskolars. May mga scholarships na nanggagaling sa mga institusyon, mga pulitiko,sa gobyerno o maging sa mismong Unibersidad. Kadalasan sa mga ito ay nangangailangan ng mataas na marka. May mga iskolar rin na tinatawag na susidize o nagbibigay lang ng suportang pinansyal walang hinihinging mataas na marka. Mapapalad ang mga estudyanteng iskolar dahil bukod sa libreng matrikula, ang iba pa ay may natatanggap na allowance. Hindi maipagkakaila na karamihan sa sinasabing Unibersidad ay mga iskolars. Ngunit may mga iilang estudyanteng iskolar ay nagkaroon ng markang "INC" at minsan ay bumabagsak pa. Bakit ganun? May iba pa na mayabang kung umasta, ni hindi nga alam kung anong klasing iskolar meron sila. Ganyan ba ang tinatawag na iskolar? Hay naku, tingog USEPIANS!!!

Friday, August 15, 2008

Maswerte Ka!

Ang pag-aaral ay isang kayamanan sabi ng maraming mga magulang sa tuwing nangangaral sa kanilang mga anak. Minsan lang sa buhay ang mabigyan ng oportunidad upang pag-aralin ng libre. Maswerte ang mga estudyanteng napagpalaan ng mga "scholarships grants" na ito. kung kaya marapat lamang bilang ganti kinakailangan na lahat ng mga marka sa lahat ng asignatura ay dapat matataas nang sa gayon ay mapanatili ang pagiging iskolar ng isang indibidwal. Kailangang maging maingat sa pag-aaral at kinakailangan ng sipag, tiyaga at determinasyon upang makamit ang markang dapat ay kuwalipikado para sa pagpapanatili ng iskolarship na ito. Ilang mga estudyante kaya ngayon ang patuloy na nakakapag-aral sa tulong nito? Ipagpalagay nating wala ang mga iskolarship ngayon. Maaaring kunti lang ang masweswerteng may mga trabaho ngayon at may magandang buhay. Sa hirap nga naman ng panahon ngayon lahat ay naghihikahos lalong lalo na ang mga mahihirap na pamilya. Di ba ito ang nagiging sanhi ng pagiging ignorante at mang-mang ng mamamayang pilipino dahil sa kawalang edukasyon. Mabuti na nga lang at may mga scholarships grants mula sa iba't-ibang institusyon, mga nasa pulitika at maging ang mismong unibersidad. Bigyan natin ng halaga ang pag-aaral. Maging masikap, matiyaga, masipag at determinado upang makamit ang magandang buhay. Kaya, ang swerte mo at iskolar ka ng bayan. Gamitin, linangin at pangalagaan mo sana ito upang sa hirap ng buhay ikaw ay makaahon. Kaibigan, maswerte ka kaya mag-aral ka ng mabuti...





-Maricar R. Sillacay-

Thursday, August 14, 2008

Mag-isip ka Iskolar



ni: Maricar R. Sillacay


Iskolar nga kung tinuringan
libre na sa matrikula ng paaralan,
wala nang mababayaran
kaligayahan ng mga magulang
hindi mapapantayan.

"Proud" sina nanay at tatay
dahil makapag-aaral na si inday
matalino kasi at masipag pa
lagi raw sa klase di pumapalya.

Laging bida sa mga kwento ni nanay
sa lahat ng mga kapitbahay
pinagmamalaki si inday ay iskolar
bida sa mga kwento,siya lagi ang "star".

Haay...isang buntung-hininga...
kung naiisip lamang ni inday
hangad ng lahat siya'y magtagumpay
upang makaalpas sa hirap ng buhay.

kawawa pala si nanay at tatay
malamang anak na si inday
di pala totoong nagsusunog ng kilay
at naging pariwara pa sa buhay.

Iskolar nga ng bayan kung sila'y tawagin
isang uportunidad ng sa gayon
makatapos at magandang bukas ay abutin
kaya ito sana ay maayos na gamitin.

Bigyan natin ng kahalagahan ang pagaaral
lingunin sana ang ating pinanggalingan
si nanay at tatay bigyan ng regalo
regalong makatapos sa kolehiyo.

Ang pagiging iskolar man ay mahirap
mahirap sa simula sa huli'y sarap;
Kaya maghirap ka muna upang sa huli
buhay mo sa bukas ay laging masarap.

Pagpanatili ng iyong mga marka
dapat matataas di dapat pumapalya
upang iskolar ka hanggang sa magtapos
kapanatagan sa buhay nito'y dulot.

kaya ikaw man ay iskolar ngayon
isipin mo maswerte ka't nakapag-kolehiyo;
Kaya hanggat hindi pa huli ang lahat
sana'y mag-isip ka ISKOLAR!




Iskolar nga ba?


Ang pagiging iskolar ay isang magandang oportunidad. Libre na ng lahat ng babayarin sa paaralan. Kapalit nito ang serbisyo at ang iyong magandang grado na ipapakita sa pagtatapos ng semester. Pero sa mga panahong yan,merong mga iskolar na bagsak,inc o di kaya ay drooped. Meron ding iba na sosyal masyado manamit. Mas sosyal pa sila tingnan sa nagpapaaral sa kanila. Meron ding iba na hi-tech masyado ang gamit na kung tutuusin ay nagpa-iskolar nga sila dahil wala silang pambayad tapos meron palang pambili ng magagandang gamit. Sa tingin ninyo karapatdapat pa ba silang tawagin na iskolar ng bayan? Kayo nalang ang humusga.


-JUNALYN SUMACBAY-

Monday, August 4, 2008

Dala Ng Makabagong Teknolohiya



Ang mga imahe at video at mabuo gamit ang ibat-ibang search engine. Subalit sa kalaunan ang mga benepisyong makukuha sa internet na gaya ng mga nabanggit ay tila naging suliranin pa ng paaralan.
Ano ang electronic library? Ang electronic library o mas kilala sa tawag na e.lib ay ginawa upang makapag-research ang mga estudyante sa kanilang mga takdang-aralin pati na rin sa mga thesis ngunit tila nawala na sa isip ng mga estudyante ang ganitong mga bagay. Sa halip na mag-research ay mas pinili pa nilang mag-friendster at kung anu-ano pa na walang kinalaman sa pag-aaral. Ginawa pa nilang palengke ang e.lib dahil sa ibat-ibang mga eksena na makikita at sila ay nagkakagulo na. Katulad na lamang ng pagsasabunutan, pag-uunahan, pagsisiksikan at iba pang mga eksena. Hindi na nila inisip ang patakaran ng e.lib. Hindi na rin sinusunod ng mga estudyante ang pagbabawal ng ibang site tulad ng friendster, youtube at iba pa. Parang nawalan na ng moralidad ang mga kabataan na dala ng nasabing teknolohiya.

Nakakatulong nga ba ang internet sa pag-aaral o nagdadala lamang ito ng kawalan ng disiplina ng mga estudyante? Kaya hinahamon namin ang bawat estudyante na naaadik sa internet, mag-aral kayo!!!! gamitin ng tama ang internet!!!! huwag lang sa mga walang kuwentang bagay sa halip magsumikap sa pag-aaral at gamitin sa tama ang teknolohiya.