Sinasabi na ang iskolar ay isang libreng pag-aaral ng mga estudyanteng gustong makamit ang mga mithiing inaasan-asam. Ito ay nakakatulong sa mga estudyanteng hirap sa pangtutos sa pag-aaral lalong-lalo na kapag papasok sa pamantasan ng kolehiyo. Sa University of Southeastern Philippines (USEP), ay isa sa mga Unibersidad ng Pilipinas na may iba't-ibang klasing iskolars. May mga scholarships na nanggagaling sa mga institusyon, mga pulitiko,sa gobyerno o maging sa mismong Unibersidad. Kadalasan sa mga ito ay nangangailangan ng mataas na marka. May mga iskolar rin na tinatawag na susidize o nagbibigay lang ng suportang pinansyal walang hinihinging mataas na marka. Mapapalad ang mga estudyanteng iskolar dahil bukod sa libreng matrikula, ang iba pa ay may natatanggap na allowance. Hindi maipagkakaila na karamihan sa sinasabing Unibersidad ay mga iskolars. Ngunit may mga iilang estudyanteng iskolar ay nagkaroon ng markang "INC" at minsan ay bumabagsak pa. Bakit ganun? May iba pa na mayabang kung umasta, ni hindi nga alam kung anong klasing iskolar meron sila. Ganyan ba ang tinatawag na iskolar? Hay naku, tingog USEPIANS!!!
Tuesday, August 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment