Ang mga imahe at video at mabuo gamit ang ibat-ibang search engine. Subalit sa kalaunan ang mga benepisyong makukuha sa internet na gaya ng mga nabanggit ay tila naging suliranin pa ng paaralan.
Ano ang electronic library? Ang electronic library o mas kilala sa tawag na e.lib ay ginawa upang makapag-research ang mga estudyante sa kanilang mga takdang-aralin pati na rin sa mga thesis ngunit tila nawala na sa isip ng mga estudyante ang ganitong mga bagay. Sa halip na mag-research ay mas pinili pa nilang mag-friendster at kung anu-ano pa na walang kinalaman sa pag-aaral. Ginawa pa nilang palengke ang e.lib dahil sa ibat-ibang mga eksena na makikita at sila ay nagkakagulo na. Katulad na lamang ng pagsasabunutan, pag-uunahan, pagsisiksikan at iba pang mga eksena. Hindi na nila inisip ang patakaran ng e.lib. Hindi na rin sinusunod ng mga estudyante ang pagbabawal ng ibang site tulad ng friendster, youtube at iba pa. Parang nawalan na ng moralidad ang mga kabataan na dala ng nasabing teknolohiya.
Nakakatulong nga ba ang internet sa pag-aaral o nagdadala lamang ito ng kawalan ng disiplina ng mga estudyante? Kaya hinahamon namin ang bawat estudyante na naaadik sa internet, mag-aral kayo!!!! gamitin ng tama ang internet!!!! huwag lang sa mga walang kuwentang bagay sa halip magsumikap sa pag-aaral at gamitin sa tama ang teknolohiya.
2 comments:
comment from:juralyn lariosa
dapat ang electronic library gamitin sa tama katulad ng
pagreresearch ng mga takdang aralin ngunit sa mga nangyayari ngayun hindi na pagreresearch ang ginagawa kundi may nagyoyoutube,friendster,chat2x at ang nakalala pa may mga nagsesave ng mga hubad na larawan na sila pa mismo personaly ang nakahubad...tama ba yun?parang hindi na at dapat na yatang aksyunan...
hindi natin maikakaila na talagang malaking bagay ang makabagong teknolohiya gaya ng komputer o internet sa ating henerasyon ngayon...subalit tama nga talaga na kinakailangan gamitin ito sa tamang paraan lalo na sa isang estudyante na kadalasang gumagamit sa e-lib.Kung mag research,type or anumang kinalaman sa isang alituntunin,dapat unahin at saka na ang pangsariling gusto.
Rara,K.
Post a Comment