Friday, August 15, 2008

Maswerte Ka!

Ang pag-aaral ay isang kayamanan sabi ng maraming mga magulang sa tuwing nangangaral sa kanilang mga anak. Minsan lang sa buhay ang mabigyan ng oportunidad upang pag-aralin ng libre. Maswerte ang mga estudyanteng napagpalaan ng mga "scholarships grants" na ito. kung kaya marapat lamang bilang ganti kinakailangan na lahat ng mga marka sa lahat ng asignatura ay dapat matataas nang sa gayon ay mapanatili ang pagiging iskolar ng isang indibidwal. Kailangang maging maingat sa pag-aaral at kinakailangan ng sipag, tiyaga at determinasyon upang makamit ang markang dapat ay kuwalipikado para sa pagpapanatili ng iskolarship na ito. Ilang mga estudyante kaya ngayon ang patuloy na nakakapag-aral sa tulong nito? Ipagpalagay nating wala ang mga iskolarship ngayon. Maaaring kunti lang ang masweswerteng may mga trabaho ngayon at may magandang buhay. Sa hirap nga naman ng panahon ngayon lahat ay naghihikahos lalong lalo na ang mga mahihirap na pamilya. Di ba ito ang nagiging sanhi ng pagiging ignorante at mang-mang ng mamamayang pilipino dahil sa kawalang edukasyon. Mabuti na nga lang at may mga scholarships grants mula sa iba't-ibang institusyon, mga nasa pulitika at maging ang mismong unibersidad. Bigyan natin ng halaga ang pag-aaral. Maging masikap, matiyaga, masipag at determinado upang makamit ang magandang buhay. Kaya, ang swerte mo at iskolar ka ng bayan. Gamitin, linangin at pangalagaan mo sana ito upang sa hirap ng buhay ikaw ay makaahon. Kaibigan, maswerte ka kaya mag-aral ka ng mabuti...





-Maricar R. Sillacay-

2 comments:

yhannah kris said...

sana mamulat ang mga scholars at magsikap silang panbutihin ang kanilang pag-aaral dahil di ganun kadaling maging scholar

clar said...

Salamat sa paalala.sana mabasa ng mga kabataan na sinasayang ang oras nila sa walang kabulohang mga bagay Sakit.info